Mucho Abla
Lunes, Hunyo 10, 2013
"Pwede ba Tayong Lumabas?"
Sabado nang umaga at walang aktibidad at pasok sina Lawrence kaya napagpasyahan niyang tawagan sa telepono si Anna upang anyayahang lumabas. Tumanggi si Anna dahil kinakailangan niyang maglaba at ayusin ang kanyang mga gamit. Pinilit ni Lawrence si Joanna at sinabing," Bukas mo na lang gawin ang mga yan PLEASE". Dahil sa pagpipilit ay pumayag na rin si Anna. "Magkita na lang tayo sa JSN Mall," sabi ni Lawrence.
Halos sabay na dumating silang dalawa at tumungo sa KF(Kingfisher restaurant) upang kumain ng tanghalian. Umorder si Lawrence ng Sisig at Kanin gamit ang kanyang inimpok na pera sa kanyang bulsa. Nadulas ang dila ni Lawrence at sinabing "Luv, kumain ka na ?". Namula si Anna sa kanyang nadinig at dali-daling pumunta sa banyo upang di siya mahalata ni Lawrence. Habang nasa loob ng banyo nakita ni Anna ang kanyang sarili sa salamin na pulang-pula na parang hinog na kamatis. Pinigilan ni Anna ang kanyang nadarama para kay Lawrence at inayos ang kanyang sarili upang bumalik sa hapag-kanan.
"Bakit antagal mo sa banyo"inosenteng tanong ni Lawrence. "Inayos ko lang ang aking sarili" tugon ni Anna. "Pasensya ka na sa nasabi ko kanina" sabi ni Lawrence. "Kumain na nga lang tayo," ang tanging tugon ni Anna.
Matapos kumain ay tumungo ang dalawa sa sinehan upang manood ng pelikulang "The Man from Maynila". Mangiyak-ngiyak si Anna habang nanood ng pelikula kaya binigyan ni Lawrence ng malinis na panyo. Nakita nila sina Toper at Brent kaya agad-agad silang sumakay sa elevator sa pag-aakalang di sila nakita ay pumunta ang dalawa sa boutique upang tumingin ng mga damit. Napansin nila na kumapal ang dami ng tao, malapit sa kanilang kinatatayuan. Dumating pala ang isa sa pinakasikat na artista na si Daniel Padilla. Nagtitilian ang mga babae at ninais ni Anna papirmahan ang dala niyang panyo ngunit siksikan. Kinuha ni Lawrence ang hawak na panyo ni Anna at sumuong sa di mahulugang karayom ng tao. Nagtagumpay naman si Lawrence na papirmahan ang panyo at binigay ito kay Anna.
Niyakap ni Anna ng mahigpit si Lawrence at sinabing, "Maraming Salamat!". Hindi nila napansin na nakita sila ni Toper. Agad na umalis si Toper matapos makita ang dalawa. Tumingin sa relo si Lawrence at napansin na alas-diyes na ng gabi. "10:00 na pala, hatid na kita sa inyong bahay," ang sabi ni Lawrence. "Paano mo ako maihahatid Eh wala ka naman kotse kaya mag-komyut na lang ako," pabirong tugon ni Joanna.
Biyernes, Hunyo 7, 2013
"Ang Buhay ni Anna"
Karpintero ang ama ni Anna na si Francisco samantala yumao ang kanyang ina na si Richa sa panganganak kay Anna. Dinapuan ng di maipaliwanag na karamdaman si Francisco na sanhi ng kanyang pagkamatay, ilang buwan pa lang mula ng yumao ang kanyang kabiyak. Naiwan sa puder ni Annita ang sanggol na si Anna.
Tinaguyod ni Annita ang sanggol, binigay ang mga pangangailang kahit na kapos sila sa pera. Kayod kalabaw si Annita, nagtitinda siya ng tsinelas at tuwing Lingo siya ay nagtitinda ng suman.
Sa tuwing kaaraawan ni Anna ay tanging suman at pansit ang handa nila. Di niya maiwasan na mahili sa ibang bata na may mga manika, mamahaling mga damit at masaganang buhay. Bagamat mahirap sila, ito ay hindi naging dahilan upang panghinaan siya ng loob sa kaniyang pag-aaral. Nagpursigi siya at naging iskolar ng paaralan ng Panteleon Garcia Elementary School. Kahit na wala siyang baon at lumang bag na ang kanyang gamit ay patuloy pa rin siya sa pag-aaral. Siya ay naging valedictorian sa kanilang klase at nakilala niya si Gng. Reyes isang guro na nagtuturo sa Mataas na Paaralan sa lungsod ng Cebu.
Tinulungan ni Gng. Reyes si Anna at dinala siya sa lungsod upang pag-aralin. Tinuring na anak ni Gng. Reyes si Anna binili nang magagandang damit at mga masasarap na pagkain. "Hiyang-hiya na po ako sa inyo" sabi ni Anna. "Wala akong ibang kamag-anak dito, ang aking mga anak ay nasa ibang bansa na samantala ang aking asawa ay matagal ng yumao, tinuring na kita bilang aking anak," sabi ni Gng. Reyes. "Pangako ko po sa oras na makapag-tapos ng kolehiyo ay ibabalik ko po sa inyo ang iyong kabutihan," mangiyak-ngiyak na tugon ni Anna.
Naging Valedictorian si Anna sa kanilang klase at nakakuha ng scholarship sa Unibersidad ng Pilipinas. "Pag-iisipan ko pa po ang inaalok niyo dahil walang kasama si Gng. Reyes sa kanyang bahay," sabi ni Anna. Tinanong ni Anna si Gng. Reyes tungkol sa Scholarship bagamat nalungkot si Gng.Reyes dahil iiwan ng tinuring niyang anak pero pinayagan niya ito sa pagpunta sa Maynila. Sa huling pagkakataon ay pinamili niya si Anna ng mga damit at bagong sapatos. Binili rin ni Gng.Reyes si Anna ng ticket sa barko patungong Maynila.
Mangiyak-ngiyak si Gng. Reyes habang hinahatid si Anna, mahigpit na yinakap ni Anna ang babaeng tinuring niyang ina. Sumakay na si Anna sa barko, halos ilang araw din siyang naglalakbay. Binilin ni Mrs. Reyes na pumunta siya sa bahay nang kanyang kapwa guro na si Gng. Vergano upang doon umupa ng dormitoryo. Nagtrabaho siya habang di pa nagsisimula ang pasukan bilang isang serbidora sa isang kainan.
Nahapis ang puso ni Lawrence sa kanyang nadinig na kwento at di nila namalayan na palubog na ang araw kaya nila napagpasyahan na umuwi na . Walang ibang inisip si Lawrence kundi si Anna at ang kanyang paghihirap.
Ang Paghanga nila sa Isa't-Isa
Pinaupo na ng kanilang propesor si Anna at nagkataon na ang tanging bakanteng upuan ay ang inalisan ni Carol, sa tabi ni Lawrence. Nagpakilala si Lawrence kay Anna "Ako nga pala si Lawrence Saavedra maari mo akong tawagin na Vanni". "Ako naman si Anna Tejada," malumanay na tugon kay Lawrence. "Ako yung lalaking tumulong sa iyo kanina," sabi ni Lawrence. "Ah, eh, ikaw ba yun pasensya na dahil nagmamadali talaga ako kanina" pagpapakumbaba ni Anna.
Oras na para simulan ang klase at tinalakay na ng kanilang propesor na si Allen ang isa sa kanilang asignatura. Matapos nito ay tumawag ng mga estudyante upang sumagot sa kanyang mga katanungan. Unang tinawag si Marlon at humanga naman ang kanilang propesor dahil bawat detalye sa kanyang sagot ay tama. Sumunod si Anna "Nabalitaan ko na ikaw ay isa sa mga iskolar ng ating unibersidad at umaasa ako na masasagot mo ang aking mga katanungan ng maayos," hamon ni Allen kay Anna. "Bravo!Bravo! Bravo!" ang tanging nasabi ng kanilang propesor.
Pinatayo ng kanilang propesor si Lawrence upang tanungin ngunit dahil lagi siyang nakatitig kay Anna kaya wala siyang naisagot."Inutil ka! napakadali na tanong di mo pa nasagot, umupo ka na" pasigaw na bigkas ni Allen.
Kring!Kring!Kring(hudyat ng pagtatapos ng klase)
"Maari na kayong umuwi, Lawrence dalhin mo itong mga gamit sa aking opisina" pautos na sabi ni Allen. Sumunod si Lawrence sa utos ng kanilang propesor. Uuwi na sana si Lawrence ngunit nakita niya si Anna sa pasilyo ng unibersidad.
"Anna!Anna pwede mo ba akong samahan sa kapiterya, ililibre kita," wika ni Lawrence. "Nakakahiya naman sa yo," pagpapakumbaba ni Anna. "Wag ka nang mahiya,"pagpipilit ni Lawrence. "sige" ang tanging nasabi ni Anna.
Umorder si Lawrence ng pizza at softdrinks
. Tinanong ni Lawrence ang tungkol sa buhay ni Anna. "Wag na mahabang kwento," sabi ni Anna. "Handa akong makinig sa Iyo," pagpipilit ni Lawrence.
"Ang Simula ng Klase"
Napakaraming estudyante ang pumapasok dahil mag-sisimula na ang unang araw ng klase. Iba't ibang ugali,mukha at katauhan ng mga estudyante. Nagpakilala ang punong Guro na si Allen at tinipon niya ang mga estudyante sa himnasyo. Nakita ni Lawrence ang kanyang kaklase noong siya ay haiskul na si Marlon. Nag-usap ang dalawa tungkol sa kanilang ginawa noong bakasyon.
Napansin nila Marlon at Lawrence na dumating ang matalik na magkaibigan na si Toper at Brent. Umaapaw sa kayabangan ang dalawa habang naglalakad. Lumipat ng pwesto ang dalawa upang umiwas sa kanila. Habang nagmamadaling lumayo ay nabunggo ni Lawrence ang babaeng naglalakad tinulungan ni Lawrence sa pagpulot ng mga nalaglag na gamit nung babae.
"Miss pasensya na maari ko bang malaman ang iyong pangalan?" tanong ni Lawrence.
Ngunit parang hangin na umalis ang babae sa harap ni Lawrence. Dahil sa di pagpansin ng babae ay pumunta na lang ang dalawa kung saan maraming magagandang dilag. Nahiwagaan si Lawrence sa katangian noong babae kaya di matanggal sa kanyang isip ito.
Pumunta na sa kanya-kanyang silid-aralan ng mapansin ni Lawrence na katabi niya si Carol ang kanilang kapitbahay. "Hello, Vanni dito ka rin pala nag-aaral," malanding pagtatanong ni Carol. "Ah, oo nga dito ako nag-aaral," tugon ni Lawrence.
Biglang may bumukas sa pinto, namangha si Lawrence at Marlon na ang kaklase pala nila ang misteryosong babae. Pinagalitan at pinagpaliwanag ng kanilang propesor kung bakit nahuli siya sa klase. "Sir pasensya na po medyo naligaw po ako kasi napakalaki ng ating unibersidad"
Napansin nilang lahat na naka-tsinelas lang siya at simpleng bestida. "Ano ba yan pede pala dito ang dukha," pabulong na sabi ni Carol. "Anong sinabi mo," tugon ni Lawrence. "Sabi ko, kawawa naman siya," pagpapalusot ni Carol.
"Pwede ka bang lumipat ng upuan," tugon ni Lawrence. "Pero, bakit mo ako pinalilipat," nag-aalangan sagot ni Carol. "Basta, ipapaliwanag ko na lang sa iyo mamaya," sabi ni Lawrence. Dahil sa pagpipilit Napilitang lumipat sa may hulihan si Carol.
MGA TAUHAN
Lawrence Saavedra- Siya ay nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas at sa di inaasahan ay umibig siya kay Anna na nabibilang sa maralitang pamilya. Ang kanyang mga magulang ay nagbabanat ng buto upang matustusan ang kanyang pag-aaral.
Anna Tejada- Ang babaeng minahal at naging kasintahan ni Lawrence. Nakapasok siya sa Unibersidad dahil sa Scholarship na ginawad ng paaralan sa kanya.
Carol Tagle- Ang babaeng pinikot si Lawrence
Toper Ebreo- Ang lalaking nahuhumaling kay Joanna kaya handa niyang gawin ang lahat para mahalin siya ni Anna.
Allen Rojel- Ang punong-guro nila na pinagsasamantalahan si Lawrence.
Rea at Juan- Ang magulang ni Lawrence na kumakayod sa ibang bansa upang mabigay ang pangangailangan ni Lawrence.
Malou at Rico- Ang magulang ni Carol
Marlon Rodriguez- Ang kaibgan ni Lawrence na pinagsabihan niya tungkol sa panghahalay nang kanilang propesor.
Brent Verdan- Ang matalik na kaibigan ni Toper, na lider ng gansta group na "Gangzta Tribe"
Lola Anita- Ang lola ni Anna na nagpalaki sa kanya dahil matagal ng yumao ang mg magulang
ni Anna. Nagtitinda siya ng kakanin upang buhayin ang kanyang apo.
Yaya Inday- Ang striktong katulong ng mga Saavedra at naging mata ng mga magulang ni Lawrence.
Padre Miguel- Ang kura paroko ng simbahan na pinagtakpan ang panghahalay ng guro na si Allen
Atty. Kiko Duran- Ang abugadong nilapitan nila hinggil sa kaso tungkol sa panghahalay kay Lawrence.
Anna Tejada- Ang babaeng minahal at naging kasintahan ni Lawrence. Nakapasok siya sa Unibersidad dahil sa Scholarship na ginawad ng paaralan sa kanya.
Carol Tagle- Ang babaeng pinikot si Lawrence
Toper Ebreo- Ang lalaking nahuhumaling kay Joanna kaya handa niyang gawin ang lahat para mahalin siya ni Anna.
Allen Rojel- Ang punong-guro nila na pinagsasamantalahan si Lawrence.
Rea at Juan- Ang magulang ni Lawrence na kumakayod sa ibang bansa upang mabigay ang pangangailangan ni Lawrence.
Malou at Rico- Ang magulang ni Carol
Marlon Rodriguez- Ang kaibgan ni Lawrence na pinagsabihan niya tungkol sa panghahalay nang kanilang propesor.
Brent Verdan- Ang matalik na kaibigan ni Toper, na lider ng gansta group na "Gangzta Tribe"
Lola Anita- Ang lola ni Anna na nagpalaki sa kanya dahil matagal ng yumao ang mg magulang
ni Anna. Nagtitinda siya ng kakanin upang buhayin ang kanyang apo.
Yaya Inday- Ang striktong katulong ng mga Saavedra at naging mata ng mga magulang ni Lawrence.
Padre Miguel- Ang kura paroko ng simbahan na pinagtakpan ang panghahalay ng guro na si Allen
Atty. Kiko Duran- Ang abugadong nilapitan nila hinggil sa kaso tungkol sa panghahalay kay Lawrence.
Paalala Ni Marlon
BAGO NATIN ITO SIMULAN NAIS KONG IPARATING NA PAWANG KATAHANG ISIP LANG NILALAMAN NG AKING AKDA PERO KUNG GUSTO NIYONG SERYOSOHIN WALA NA AKONG MAGAGAWA. KUNG MERON MANG KAPANGALAN ANG ISA SA MGA FICTIONAL NA TAUHAN NA AKING NILAGAY MALAMANG HINDI KAYO ANG AKING TINUTUKOY.
ANO NGA BA TALAGA ANG MATUTUNAN NIYO SA AKDA KO? SIMPLENG EKPLENASYON LANG ANG SAGOT SA TANONG NA YAN, SA ATING BUHAY ANG PAGMAMAHAL AY ISANG BAGAY NA MAY MALAWAK NA DEPINISYON PERO ISA LANG ANG SIGURADO NA KAPAG MINAHAL MO ANG ISANG TAO MAARING MAGULANG, KAIBIGAN,KAPATID AT KAMAG-ANAK MO AY DAPAT HANDA KANG MASAKTAN. ANG BUHAY AY HINDI ISANG KWENTO NANG PANTASYA BAGKUS ITO AY MUNDO NG KALUPITAN AT PAGDURUSA.
HINDI ITO YUNG ISTORYANG IYONG KAKIKILIGAN BAGKUS MAKIKITA NIYO SA AKDA NA ITO ANG MGA PROBLEMA NG LIPUNAN.
PARA SA MGA KRITIKO, AKO PO AY LABING-TATLONG GULANG PA LANG KAYA DI MAIIWASAN NA MAGKAMALI ANG AKING BALARILA, BAYBAY AT KUNG ANU-ANO PA PERO SINISIGURO KO NA TAOS SA PUSO AT UTAK ANG MENSAHE NITONG AKDA
ANO NGA BA TALAGA ANG MATUTUNAN NIYO SA AKDA KO? SIMPLENG EKPLENASYON LANG ANG SAGOT SA TANONG NA YAN, SA ATING BUHAY ANG PAGMAMAHAL AY ISANG BAGAY NA MAY MALAWAK NA DEPINISYON PERO ISA LANG ANG SIGURADO NA KAPAG MINAHAL MO ANG ISANG TAO MAARING MAGULANG, KAIBIGAN,KAPATID AT KAMAG-ANAK MO AY DAPAT HANDA KANG MASAKTAN. ANG BUHAY AY HINDI ISANG KWENTO NANG PANTASYA BAGKUS ITO AY MUNDO NG KALUPITAN AT PAGDURUSA.
HINDI ITO YUNG ISTORYANG IYONG KAKIKILIGAN BAGKUS MAKIKITA NIYO SA AKDA NA ITO ANG MGA PROBLEMA NG LIPUNAN.
PARA SA MGA KRITIKO, AKO PO AY LABING-TATLONG GULANG PA LANG KAYA DI MAIIWASAN NA MAGKAMALI ANG AKING BALARILA, BAYBAY AT KUNG ANU-ANO PA PERO SINISIGURO KO NA TAOS SA PUSO AT UTAK ANG MENSAHE NITONG AKDA
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)