Lunes, Hunyo 10, 2013

"Pwede ba Tayong Lumabas?"


Sabado nang umaga at walang aktibidad at pasok sina Lawrence kaya napagpasyahan niyang tawagan sa telepono si Anna upang anyayahang lumabas. Tumanggi si Anna dahil kinakailangan niyang maglaba at ayusin ang kanyang mga gamit. Pinilit ni Lawrence si Joanna at sinabing," Bukas mo na lang gawin ang mga yan PLEASE". Dahil sa pagpipilit ay pumayag na rin si Anna. "Magkita na lang tayo sa JSN Mall," sabi ni Lawrence.
Halos sabay na dumating silang dalawa at tumungo sa KF(Kingfisher restaurant) upang kumain ng tanghalian. Umorder si Lawrence ng Sisig at Kanin gamit ang kanyang inimpok na pera sa kanyang bulsa. Nadulas ang dila ni Lawrence at sinabing "Luv, kumain ka na ?". Namula si Anna sa kanyang nadinig at dali-daling pumunta sa banyo upang di siya mahalata ni Lawrence. Habang nasa loob ng banyo nakita ni Anna ang kanyang sarili sa salamin na pulang-pula na parang hinog na kamatis. Pinigilan ni Anna ang kanyang nadarama para kay Lawrence at inayos ang kanyang sarili upang bumalik sa hapag-kanan.
"Bakit antagal mo sa banyo"inosenteng tanong ni Lawrence. "Inayos ko lang ang aking sarili" tugon ni Anna. "Pasensya ka na sa nasabi ko kanina" sabi ni Lawrence. "Kumain na nga lang tayo," ang tanging tugon ni Anna.
Matapos kumain ay tumungo ang dalawa sa sinehan upang manood ng pelikulang "The Man from Maynila". Mangiyak-ngiyak si Anna habang nanood ng pelikula kaya binigyan ni Lawrence ng malinis na panyo. Nakita nila sina Toper at Brent kaya agad-agad silang sumakay sa elevator sa pag-aakalang di sila nakita ay pumunta ang dalawa sa boutique upang tumingin ng mga damit. Napansin nila na kumapal ang dami ng tao, malapit sa kanilang kinatatayuan. Dumating pala ang isa sa pinakasikat na artista na si Daniel Padilla. Nagtitilian ang mga babae at ninais ni Anna papirmahan ang dala niyang panyo ngunit siksikan. Kinuha ni Lawrence ang hawak na panyo ni Anna at sumuong sa di mahulugang karayom ng tao. Nagtagumpay naman si Lawrence na papirmahan ang panyo at binigay ito kay Anna.
Niyakap ni Anna ng mahigpit si Lawrence at sinabing, "Maraming Salamat!". Hindi nila napansin na nakita sila ni Toper. Agad na umalis si Toper matapos makita ang dalawa. Tumingin sa relo si Lawrence at napansin na alas-diyes na ng gabi. "10:00 na pala, hatid na kita sa inyong bahay," ang sabi ni Lawrence. "Paano mo ako maihahatid Eh wala ka naman kotse kaya mag-komyut na lang ako," pabirong tugon ni Joanna.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento