Biyernes, Hunyo 7, 2013

"Ang Buhay ni Anna"


Karpintero ang ama ni Anna na si Francisco samantala yumao ang kanyang ina na si Richa sa panganganak kay Anna. Dinapuan ng di maipaliwanag na karamdaman si Francisco na sanhi ng kanyang pagkamatay, ilang buwan pa lang mula ng yumao ang kanyang kabiyak. Naiwan sa puder ni Annita ang sanggol na si Anna.
Tinaguyod ni Annita ang sanggol, binigay ang mga pangangailang kahit na kapos sila sa pera. Kayod kalabaw si Annita,  nagtitinda siya ng tsinelas at tuwing Lingo siya ay nagtitinda ng suman.
Sa tuwing kaaraawan ni Anna ay tanging suman at pansit ang handa nila. Di niya maiwasan na mahili sa ibang bata na may mga manika, mamahaling mga damit at masaganang buhay. Bagamat mahirap sila, ito ay hindi naging dahilan upang panghinaan siya ng loob sa kaniyang pag-aaral. Nagpursigi siya at naging iskolar ng paaralan ng Panteleon Garcia Elementary School. Kahit na wala siyang baon at lumang bag na  ang kanyang gamit ay patuloy pa rin siya sa pag-aaral. Siya ay naging valedictorian sa kanilang klase at nakilala niya si Gng. Reyes isang guro  na nagtuturo sa Mataas na Paaralan sa lungsod ng Cebu.
Tinulungan ni Gng. Reyes si Anna at dinala siya sa lungsod upang pag-aralin. Tinuring na anak ni Gng. Reyes si Anna binili nang magagandang damit at mga masasarap na pagkain. "Hiyang-hiya na po ako sa inyo" sabi ni Anna. "Wala akong ibang kamag-anak dito, ang aking mga anak ay nasa ibang bansa na samantala ang aking asawa ay matagal ng yumao, tinuring na kita bilang aking anak," sabi ni Gng. Reyes. "Pangako ko po sa oras na makapag-tapos ng kolehiyo ay ibabalik ko po sa inyo ang iyong kabutihan," mangiyak-ngiyak na tugon ni Anna.
Naging Valedictorian si Anna sa kanilang klase at nakakuha ng scholarship sa Unibersidad ng Pilipinas. "Pag-iisipan ko pa po ang inaalok niyo dahil walang kasama si Gng. Reyes sa kanyang bahay," sabi ni Anna. Tinanong ni Anna si Gng. Reyes tungkol sa Scholarship bagamat nalungkot si Gng.Reyes dahil iiwan ng tinuring niyang anak pero pinayagan niya ito sa pagpunta sa Maynila. Sa huling pagkakataon ay pinamili niya si Anna ng mga damit at bagong sapatos. Binili rin ni Gng.Reyes si Anna ng  ticket sa barko patungong Maynila.
Mangiyak-ngiyak si Gng. Reyes habang hinahatid si Anna, mahigpit na yinakap ni Anna ang babaeng tinuring niyang ina. Sumakay na si Anna sa barko, halos ilang araw din siyang naglalakbay. Binilin ni Mrs. Reyes na pumunta siya sa bahay nang kanyang kapwa guro na si Gng. Vergano upang doon umupa ng dormitoryo. Nagtrabaho siya habang di pa nagsisimula ang pasukan bilang isang serbidora sa isang kainan.
Nahapis ang puso ni Lawrence sa kanyang nadinig na kwento at di nila namalayan na palubog na ang araw kaya nila napagpasyahan na umuwi na . Walang ibang inisip si Lawrence kundi si Anna at ang kanyang paghihirap.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento