Biyernes, Hunyo 7, 2013

"Ang Simula ng Klase"



Napakaraming estudyante ang pumapasok dahil mag-sisimula na ang unang araw ng klase. Iba't ibang ugali,mukha at katauhan ng mga estudyante. Nagpakilala ang punong Guro na si Allen at tinipon niya ang mga estudyante sa himnasyo. Nakita ni Lawrence ang kanyang kaklase noong siya ay haiskul na si Marlon. Nag-usap ang dalawa tungkol sa kanilang ginawa noong bakasyon.

Napansin nila Marlon at Lawrence na dumating ang matalik na magkaibigan na si Toper at Brent. Umaapaw sa kayabangan  ang dalawa habang naglalakad. Lumipat ng pwesto ang dalawa upang umiwas sa kanila. Habang nagmamadaling lumayo ay nabunggo ni Lawrence ang babaeng naglalakad tinulungan ni Lawrence sa pagpulot ng mga nalaglag na gamit nung babae.
"Miss pasensya na maari ko bang malaman ang iyong pangalan?" tanong ni Lawrence.

Ngunit parang hangin na umalis ang babae sa harap ni Lawrence. Dahil sa di pagpansin ng babae ay pumunta na lang ang dalawa kung saan maraming magagandang dilag. Nahiwagaan si Lawrence sa katangian noong babae kaya di matanggal sa kanyang isip ito.

Pumunta na sa kanya-kanyang silid-aralan ng mapansin ni Lawrence na katabi niya si Carol ang kanilang kapitbahay. "Hello, Vanni dito ka rin pala nag-aaral," malanding pagtatanong ni Carol. "Ah, oo nga dito ako nag-aaral," tugon ni Lawrence.

Biglang may bumukas sa pinto, namangha si Lawrence at Marlon na ang kaklase pala nila ang misteryosong babae. Pinagalitan at pinagpaliwanag ng kanilang propesor kung bakit nahuli siya sa klase. "Sir pasensya na po medyo naligaw po ako kasi napakalaki ng ating unibersidad"

Napansin nilang lahat na naka-tsinelas lang siya at simpleng bestida. "Ano ba yan pede pala dito ang dukha," pabulong na sabi ni Carol. "Anong sinabi mo," tugon ni Lawrence. "Sabi ko, kawawa naman siya," pagpapalusot ni Carol.

"Pwede ka bang lumipat ng upuan," tugon ni Lawrence. "Pero, bakit mo ako pinalilipat," nag-aalangan sagot ni Carol. "Basta, ipapaliwanag ko na lang sa iyo mamaya," sabi ni Lawrence. Dahil sa pagpipilit Napilitang lumipat sa may hulihan si Carol.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento