Biyernes, Hunyo 7, 2013

Ang Paghanga nila sa Isa't-Isa


Pinaupo na ng kanilang propesor si Anna at nagkataon na ang tanging bakanteng upuan ay ang inalisan ni Carol, sa tabi ni Lawrence.  Nagpakilala si Lawrence kay Anna "Ako nga pala si Lawrence Saavedra maari mo akong tawagin na Vanni". "Ako naman si Anna Tejada," malumanay na tugon kay Lawrence. "Ako yung lalaking tumulong sa iyo kanina," sabi ni Lawrence. "Ah, eh, ikaw ba yun pasensya na dahil nagmamadali talaga ako kanina" pagpapakumbaba ni Anna.

Oras na para simulan ang klase at tinalakay na ng kanilang propesor na si Allen ang isa sa kanilang asignatura. Matapos nito ay tumawag ng mga estudyante upang sumagot sa kanyang mga katanungan. Unang tinawag si Marlon at humanga naman ang kanilang propesor dahil bawat detalye sa kanyang sagot ay tama. Sumunod si Anna "Nabalitaan ko na ikaw ay isa sa mga iskolar ng ating unibersidad at umaasa ako na masasagot mo ang aking mga katanungan ng maayos," hamon ni Allen kay Anna.  "Bravo!Bravo! Bravo!" ang tanging nasabi ng kanilang propesor.

Pinatayo ng kanilang propesor si Lawrence upang tanungin ngunit dahil lagi siyang nakatitig kay Anna kaya wala siyang naisagot."Inutil ka! napakadali na tanong di mo pa nasagot, umupo ka na" pasigaw na bigkas ni Allen.

Kring!Kring!Kring(hudyat ng pagtatapos ng klase)

"Maari na kayong umuwi, Lawrence dalhin mo itong mga gamit sa aking opisina" pautos na sabi ni Allen. Sumunod si Lawrence sa utos ng kanilang propesor. Uuwi na sana si Lawrence ngunit nakita niya si Anna sa pasilyo ng unibersidad.

"Anna!Anna pwede mo ba akong samahan sa kapiterya, ililibre kita," wika ni Lawrence. "Nakakahiya naman sa yo," pagpapakumbaba ni Anna. "Wag ka nang mahiya,"pagpipilit ni Lawrence. "sige" ang tanging nasabi ni Anna.

Umorder si Lawrence ng pizza at softdrinks
. Tinanong ni Lawrence ang tungkol sa buhay ni Anna. "Wag na mahabang kwento," sabi ni Anna. "Handa akong makinig sa Iyo," pagpipilit ni Lawrence.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento